tanga - Diksiyonaryo
ta·ngà
png
1:
Zoo panggabing kulisap (order Lepidoptera ) na kahawig ng paruparo at gamugamo, karaniwang namamahay sa damit na hindi ginagamit : CLOTHES MOTH, POLÍLYA
2:
Zoo maliit na uwáng na may uod na karaniwang lumalaki sa loob ng mga binhi, tangkay, o ibang bahagi ng haláman, at marami ang itinuturing na peste sa haláman at mga inimbak na pagkain : GORGÓHO, WEEVIL
3:
[ST] sinaunang pagbabawal na may katumbas na parusa
4:
[ST] ibigay ang salita at tupdin ang isang bagay
5:
[ST] kasunduan ng pagbabayad.
ta·ngà
pnd
1:
pagbabawal o hindi pagbibigay ng pahintulot
2:
pangangako at pagtupad sa ipinangako.
tá·nga
png
3:
pagpapahabà ng leeg upang makita ang isang bagay.
tá·ngab
png
1:
Bot [ST] uri ng bigas na malagkit
2:
[ST] pagpútol nang pahilis
3:
malalim na bahagi ng ilog na malayò sa pampang
4:
bumbong na bukás ang kabilâng dulo at tinabásan nang pahilis upang maging pansalok.
tá·ngad
png
1:
patuloy na daloy ng hangin o tubig
2:
gitnang bahagi ng bukal na malinaw at dalisay ang tubig
3:
[Bik] sa sinaunang lipunang Bikol, gamit na panghulma sa bungo ng mga batàng bagong sílang
ta·ng-ák
png |[ ST ]
:
ang ulo ng trumpo, o ang hawakán ng espada.
ta·ngál
png |[ ST ]
1:
Bot uri ng balát ng punongkahoy na may kulay at ginagamit upang magpagúlang ng alak
2:
Zoo uri ng isda na pula ang kulay.
tá·ngan-tá·ngan
png |Bot
ta·ngár
png |[ ST ]
:
pagsakay sa malaking sasakyang-dagat na nása laot.
tá·ngar
png |[ ST ]
:
bukal na nalikha sa gitna ng ilog.
tá·ngas
png |[ ST ]
:
pagtanggi sa kagustuhan ng iba, lalo na dahil sa yabang.
ta·ngá·ta·ngá
png |[ ST ]
:
hagdan na mahabà at makitid.