Macerata Feltria - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
- ️Mon Jan 01 2018
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Macerata Feltria | |
---|---|
Comune di Macerata Feltria | |
![]() | |
Mga koordinado: 43°48′N 12°27′E / 43.800°N 12.450°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Marche |
Lalawigan | Lalawigan ng Pesaro at Urbino (PU) |
Mga frazione | Apsa, Ca' Antonio, Castellina, Certalto, Grassano, Mondagano, Santa Lucia, Santa Maria Valcava, San Teodoro, San Vicino |
Pamahalaan | |
• Mayor | Luciano Arcangeli |
Lawak Kamalian ng Lua na sa Module:Wd na nasa linyang 1890: bad argument #1 to 'ipairs' (table expected, got nil). | |
• Kabuuan | 40.07 km2 (15.47 milya kuwadrado) |
Taas | 321 m (1,053 tal) |
Populasyon (2018-01-01)Kamalian ng Lua na sa Module:Wd na nasa linyang 1890: bad argument #1 to 'ipairs' (table expected, got nil). | |
• Kabuuan | 2,031 |
• Kapal | 51/km2 (130/milya kuwadrado) |
Demonym | Maceratini |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 61023 |
Kodigo sa pagpihit | 0722 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Macerata Feltria ay isang komuna (munisipalidad) sa Lalawigan ng Pesaro at Urbino, sa Italya, rehiyon ng Marche, na matatagpuan mga 90 kilometro (56 mi) sa kanluran ng Ancona at mga 40 kilometro (25 mi) timog-kanluran ng Pesaro.
Ang Macerata Feltria ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Lunano, Monte Cerignone, Montecopiolo, Monte Grimano, Piandimeleto, Pietrarubbia, at Sassocorvaro Auditore.
Sa panahon ng Imperyong Romano, ang Macerata Feltria ay kilala bilang Pitinum Pisaurense; ito ay isang maliit na bayan na itinayo sa lugar ng isang lumang nayong Kelta (sa lugar na iyon ang mga Keltang Senone ay nanirahan). Ang ekonomiya nito ay nakabatay sa pagluluwas ng kahoy.
Sa nayon ay mayroong isang museong arkeolohiko, na inilalahad ang mga ebidensiya ng kasaysayan ng nayon.
- Simbahang parokya San Cassiano na may mga arkeolohikong paghuhukay
- Limang sinaunang simbahan
- Teatro Angelo Battelli
- Lumang museo ng radyo
- Sibikong museong arkeolohiko at paleontolihiko
- Museo ng arkeolohiyang pang-industriya
Nagkaroon ng spa na pinagsamantalahan ang mga katangian ng natural na bukal Certalto at Apsa, kung saan dumadaloy ang asupreng tubig. Kinuha ng spa ang pangalan nito mula sa sinaunang Latin na toponimo, Pitinum.
- Opisyal na website Naka-arkibo 2012-06-08 sa Wayback Machine.