tl.wikipedia.org

Paraguay - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Republika ng Paraguay

República del Paraguay (Kastila)
Paraguái Tavakuairetã (Guarani)

Salawikain: Paz y justicia
"Kapayapaan at katarungan"

Awitin: Himno Nacional Paraguayo
"Pambansang Himnong Paraguayo"

Location of Paraguay
Kabisera

at pinakamalaking lungsod

Asunción
25°16′S 57°40′W / 25.267°S 57.667°W
Wikang opisyalKastila • Guarani
KatawaganParaguayo
PamahalaanUnitaryong republika pampanguluhan

• Pangulo

Santiago Peña
Pedro Alliana
LehislaturaCongress

• Mataas na Kapulungan

Senate

• Mababang Kapulungan

Chamber of Deputies
Independence from Spain

• Declared

14 May 1811

• Recognized

25 November 1842
20 June 1992
Lawak

• Kabuuan

406,752 km2 (157,048 mi kuw) (59th)

• Katubigan (%)

2.6
Populasyon

• Senso ng 2022

6,109,644 (113th)

• Densidad

15/km2 (38.8/mi kuw) (215th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023

• Kabuuan

Increase $117.35 bilyon (94th)

• Bawat kapita

Increase $19,040[1] (98th)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023

• Kabuuan

Increase $44.14 billion[1] (98th)

• Bawat kapita

Increase $7,162[1] (104th)
Gini (2020)43.5[2]
katamtaman
TKP (2021)Decrease 0.717[3]
mataas · 105th
SalapiGuaraní (PYG)
Sona ng orasUTC–4 (PYT)

• Tag-init (DST)

UTC–3 (PYST)
Gilid ng pagmamanehoright
Kodigong pantelepono+595
Kodigo sa ISO 3166PY
Internet TLD.py

Ang Paraguay (Padron:Lang-gn), opisyal na pangalan na Republika ng Paraguay, ay isang bansa sa Timog Amerika. Nagmula ang pangalan ng bansa mula sa mga salitang Guaraní (bigkas /gwa·ra·ní/) na pará, nangangahulugang “ilog”, at guay, nangangahulugang “itong pampang”. Hinihinala na, sa Guaraní, tumutukoy lamang ang ekspresyong ito sa Asunción, ngunit, sa Espanyol, tumutukoy ito sa buong bansa.

Ang mga katutubong Guarani ang nanirahan sa mga lupain ng makabagong-panahong Paraguay sa loob ng mahigit isang milenyo bago sila nasakop ng mga Espanyol noong ika-16 na siglo. Ang mga Espanyol at mga misyonerong Heswita ang nagpakilala ng Kristiyanismo at kulturang Espanyol sa rehiyon. Pagkatapos lumaya mula sa Espanya noong 1811, sunod-sunod na pinamunuan ng mga diktador ang Paraguay na nagsagawa ng mga polisiyang proteksiyonista.

Ang paglago ng Paraguay ay naputol ng Digmaang Paraguayo (1864-1870), na kung saan nawala ang 60%-70% ng populasyon nito dahil sa digmaan at kamatayan, at ang 140,000 kilometro kwadrado ng teritoryo nito ay napunta sa Argentina at Brazil. Sa pagdaan ng ika-20 siglo, sunod-sunod na mga awtoritaryanong pamahalaan ang namuno sa Paraguay. Katangi-tangi rito ang pamamahala ni Alfredo Stroessner, na namahala mula 1954 hanggang 1989. Siya ay napatalsik sa kudeta, at muling isinagawa ang malayang halalan noong 1993. Pagkatapos ng isang taon, kasama ng Paraguay ang Argentina, Brazil, at Uruguay sa nagtatag ng Mercosur, isang rehiyonal na organisasyong pangekonomiya.

Noong 2009, tinataya na mayroon nang 6.5 milyong katao na naninirahan sa Paraguay, ang karamihan ay nasa timog-silangang bahagi ng bansa. Ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ay ang Asunción, na kung saan naninirahan ang halos 1/3 ng buong populasyon. Hindi tulad ng karamihan sa mga bansa sa Latin America, ang kultura at wika ng katutubong Guarani ay may malaking impluwensya. Karamihan sa mga naninirahan ay nagsasabing sila ay mestizo, na resulta ng pakikihalo ng mga iba't ibang grupo sa isa't isa. Parehong Guarani at Espanyol ang opisyal na wika ng Paraguay, na may 92% na nakakapagsalita ng Espanyol at 98% na nakakapagsalita ng Guarani.

Pinakamalalaking mga lungsod o bayan sa Paraguay

(Senso ng DGEEC noong 2002)[4]

Ranggo Departmento Pop. Ranggo Departmento Pop.
Asunción
Asunción
Ciudad del Este
Ciudad del Este
1 Asunción Capital District 512,112 11 Mariano Roque Alonso Central 65,229 San Lorenzo
San Lorenzo
Luque
Luque
2 Ciudad del Este Alto Paraná 222,274 12 Pedro Juan Caballero Amambay 64,592
3 San Lorenzo Central 204,356 13 Villa Elisa Central 53,166
4 Luque Central 170,986 14 Caaguazú Caaguazú 48,941
5 Capiatá Central 154,274 15 Coronel Oviedo Caaguazú 48,773
6 Lambaré Central 119,795 16 Hernandarias Alto Paraná 47,266
7 Fernando de la Mora Central 113,560 17 Presidente Franco Alto Paraná 47,246
8 Limpio Central 73,158 18 Itauguá Central 45,577
9 Ñemby Central 71,909 19 Concepción Concepción 44,070
10 Encarnación Itapúa 67,173 20 Villarrica Guairá 38,961
  1. 1.0 1.1 1.2 Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang IMFWEO.PY); $2
  2. "Gini Index". World Bank. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 July 2022. Nakuha noong 6 July 2022.
  3. "Human Development Report 2021/2022" (PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Development Programme. September 8, 2022. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 9 October 2022. Nakuha noong September 8, 2022.
  4. "3218.0 - Censo de la DGEEC, 2002". DGEEC. 2002.


Bansa Ang lathalaing ito na tungkol sa Bansa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.